Ito ang kauna-unahang imperyo sa daigdig?

Katanungan

ito ang kauna-unahang imperyo sa daigdig?

Sagot verified answer sagot

Ang kauna-unahang imperyo sa daigdig ay ang Akkad. Dahil sa pagkamkam ni Sargon I noong ika 2334- 2279 BCE sa iba’t ibang lungsod-estado ay naitatag ang unang imperyo sa mundo na tinawag na Akkadian dahil isinunod ito sa pinagmulan ni Sargon I.

ang imperyong ito gayundin ang iba pang naitatag na mga imperyo sa ilalim ni Sargon I at ng kanyang mga supling ay tinatayang nagtagal lamang sa loob ng 150 taon kung saan kinilala si Naram-Sin bilang pinakahuling magaling at mahusay na lider ng Akkadia.

Dahil sa pagbagsak ng imperyong itinatag nila, muling nabuhay at lumakas ang mga lungsod na matatagpuan sa bahaging katimugan ng Mesopotamia.