Katanungan
ito ang kauna-unahang komisyon ng pilipinas na tumulong sa pamahalaang militar sa pagbuo ng mga patakaran sa pilipinas. Anong komisyon ito?
Sagot
Ang kauna-unahang komisyon ng Pilipinas na tumulong sa pamahalaang militar sa pagbuo ng mga patakaran sa Pilipinas ay ang Komisyong Schurman.
Sa pagpasok ng mga Amerikano sa bansa, nagpanukala ang mga ito ng mga mungkahing makabubuti para sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasailalim ng Pilipinas sa pamahalaang militar.
Ito ay unang sinuportahan ng Komisyong Schurman o ang kauna-unahang komisyon sa bansa na ipinadala ng Estados Unidos sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Jacob Gould Schurman.
Naglalayon ang komisyong ito na maihatid ang bansa tungo sa kabutihan, kasaganahan, at kaligayahan. Matapos ang paninilbihan ng komisyong ito, pumalit naman ang komisyong Taft sa ilalim ni William Howard Taft.