Ito ang pangkat ng mga mahihirap sa lipunang Romano?

Katanungan

ito ang pangkat ng mga mahihirap sa lipunang romano?

Sagot verified answer sagot

Bagamat maunlad ang imperyong romano noong sinaunang sibilisasyon, isang hindi naging magandang katangian nito ay ang pagkakaroon ng hirarkiya sa pagitan ng mga tao o mamamayan.

Dahil sa hirarkiyang ito ay may umusbong na sistema ng pag-aalipin sa republika. Ang mga mamamayan na nasa pinakalaylayan o nasa ibaba ng hirarkiya ay tinatawag na plebeians.

Kung isasalin ito sa wikang Ingles, ang ibig sabihin ng plebeian ay commoner. Ito ay mga karaniwang tao—mga taong walang kapangyarihan.

Karamihan sa mga Romano ay kabilang sa mga plebeians o plebs. Hindi tinatanaw ng pamahalaan ang kanilang mga karapatan bilang tao at sila ay lagi pang naaabuso.