Ito ang sistemang pagsulat ng kabihasnang Egypt?

Katanungan

ito ang sistemang pagsulat ng kabihasnang egypt?

Sagot verified answer sagot

Ang sistemang pagsulat ng kabihasnang Egypt ay tinatawag na hieroglyphics.

Ang sistema ng pagsulat ng mga kabihasnang umusbong sa nagdaang panahon ay nagkakaiba-iba. Ang hieroglyphics o kilala rin sa tawag na Egyptian Hieroglyphs ay ang sistema ng panulat ng mga Ehipsiyano.

Ito ay hango sa griyegong salita na hieratic na ang ibig sabihin sa wikang Tagalog ay sagradong ukit na kung saan ito ang itinuturing na pormal na pamamaraan ng pagsulat ng mga taga-Ehipto.

Ang mga elemento na bumubuo sa sistemang ito ay mula sa logographic katuwang ang syllabic at alpabeto na binubuo ng iba’t ibang mga karakter na tinatayang umaabot sa bilang na 1, 000.