Ito ang tawag sa sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga taga Ehipto?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ito ang tawag sa sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga taga ehipto?

Sagot verified answer sagot

Ang sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga taga-ehipto ay hieroglyphics o heroglipikong ehipsiyo.

Ito ay ang tawag sa pormal na Sistema ng pagsulat ng mga naninirahan sa ehipto na nangangahulugang “sagradong ukit” sa wikang griyego.

Ito rin ay binigyang kahulugan bilang mga larawang titik na kinapapalooban ng kahulugan. Sa panahon ng Neoplatonismo, ang hieroglyphics ay isang artistikong representasyon na naglalaman ng pribadong mensahe o kaisipan sapagkat hindi lahat ay nauunawaan ito.

Ang mga indibidwal na may malawak na edukasyon o mga maharlika lamang ang nakauunawa sa ideyang nakapaloob sa Sistema ng pagsulat na ito. Sa panahon natin ngayon, ang mga natagpuang hieroglyph ay itinuturing na pamana mula sa mga nagdaang henerasyon.