Katanungan
ito ang tawag sa unang regla ng nagdadalaga?
Sagot
Ang unang regla ng isang dalaga ay tinatawag na menarche. Ang pagreregla o pagkakaroon ng buwanang dalaw ay isa sa mga pagbabagong nangyayari habang ang isang batang babae ay patuloy na lumalaki at nagdadalaga.
Isa itong normal na phenomenon kung saan ang isang dalaga ay dinadatnan ng paglalabas ng dugo kada buwan. Isa itong indikasyon na maaari nang magbuntis ang isang babae.
Ngunit hindi lahat ng mga dalaga ay nagkakaroon ng regular at normal na pagreregla. Minsan ay nakakaranas ng mga abnormalidad.
Halimbawa nalang ay kung tumutagal ng halos isang buwan ang pagreregla. Ang normal na dalaw ay dapat sa pagitan lamang ng tatlong araw hanggang isang lingo.