Ito ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ito ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan?

Sagot verified answer sagot

Ang compass ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan. Ang compass o sa tagalog ay tinatawag na kumpas ay isang importanteng bagay na nakatutulong upang malaman ang direksyon ng isang lugar na nais patunguhan.

Ito ay madalas kapaki-pakinabang sa mga lugar na iilan lamang ang mga posibleng maging palatandaan. Ang bagay na ito ay mayroong tagapagturong magnetiko o tinatawag na aguha na siyang susundan upang matunton ng tao ang kanyang pupuntahan.

Pinaniniwalaan na ang bagay na ito ay imbensyon ng mga intsik sa panahon ng isang dinastiyang tinawag na Han. Ang unang materyales na ginamit dito ay bato o ore.