Ito ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya?

Katanungan

ito ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya?

Sagot verified answer sagot

Kapag ang isang tao ay isinilang sa isang lugar, integral na bahagi na nang kanyang pagkatao ang wika ng naturingang lugar.

Halimbawa, kung ikaw ay pinanganak sa Pilipinas, malamang sa malamang ay wikang Filipino na ang kinagisnan mo, o kung ano man ang wika na gamit ng iyong mga magulang depende sa inyong tirahan dahil marami nga namang lengguwahe sa buong bansa.

Kaakibat din ng wika ay matutunan natin ang mga kultura at tradisyon. Ang iba’t-ibang mga wika ay may iba’t-ibang kultura at tradisyon.

Minsan ay may mga salitang pareho sa magkakaibang wika ngunit di magkapareho ang ibig sabihin at nakakaaliw na mapag-aralan iyon.