Ito ay isa sa mahalagang sangkap na taglay ng tao na may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod?

Katanungan

ito ay isa sa mahalagang sangkap na taglay ng tao na may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod?

Sagot verified answer sagot

Ang isa sa mahahalagang sangkap na taglay ng tao na may kakayahang mag-isip at alamin ang diwa at buod ng isang bagay ay ang isip.

Ang isip ay naihahalintulad ang kahulugan sa ating parte ng pangangatawan—ang utak. Sa ating isipan tayo nakakabuo ng mga kaisipan, damdamin, at kaunawaan sa mga bagay-bagay.

Ito ang tumutulong sa atin upang masagot ang mga katanungan natin sa mundong ating ginagalawan. Ito rin ang siyang may kontrol sa ating pangangatawan.

Higit sa lahat, ang ating isip ang nagbibigay sa atin ng kakayahan mamuhay nang matiwasay at payapa. Dahil sa isip, alam natin ang tama o mali.