Katanungan
ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat?
Sagot
Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ang pakikilahok ay isang mahalagang bahagi ng lipunan kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na maipakita ang sariling kakayahan upang makamtam ang kabutihang panlahat.
Ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang antas gaya ng impormasyon o pagbabahagi ng nakalap na mga kaalaman; konsultasyon o pagdinig sa iba’t ibang suhestiyon; sama-samang pagpapasya o ang tulong-tulong na pagsasagawa ng pasya para sa ikabubuti ng marami; sama-samang pagkilos o ang paggawa ng nagkakaisa upang makamit ang kabutihang panlahat; at pagsuporta kung saan ang pagmamalasakit sa kapwa ay naipamamalas.