Ito ay itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang Bangladesh?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ito ay itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang bangladesh?

Sagot verified answer sagot

Ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang Bangladesh ay ang Mahila Parishad.

Ang Mahila Parishad o mas kilala sa Bangladesh Mahila Parishad (BMP) ay isang asosayon ng mga kababaihan na itinatag sa bansang Bangladesh noong ika 4 ng Abril taong 1970 upang ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan sa bansang ito.

Matapos ng pagsiklab ng digmaan para sa kalayaan, ang Bangladesh Mahila Parishad ay legal na naiparehistro sa ilalim ng umiiral na Society Act 1976 sa nasabing bansa.

Ang pagkakatatag ng organisasyong ito para sa pagsasatinig ng mga karapatang dapat tamasahin at ibigay sa mga kababaihan ay sinuportahan ng bansang Norway.