Ito ay kwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi tanging salaysay ng kanilang lugar?

Katanungan

ito ay kwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi tanging salaysay ng kanilang lugar?

Sagot verified answer sagot

Kuwentong Bayan ang tawag sa uri ng panitikan na naglalahad o nananalaysay tungkol sa isang katangi-tangi na lugar.

Halos lahat ng mga kuwentong bayan na mayroon tayo ngayon ay puro kathang-isip lamang. Layunin lamang ng mga kuwentong bayan na bigyang saya ang mga mamamayan at upang maipahayag ang sariling pamumuhay at tradisyon sa naturang pook na iyon.

Isa sa mga pinakasikat na kuwentong bayan sa ating bansa ay ang kwento ni Mariang Makiling na sinasabing isang diwatang nakatira sa Bundok ng Makiling sa bayan ng Los Banos, Laguna. Minsan ay may mapupulot rin na mga aral sa mga kuwentong bayan.