Ito ay malaking bahagi ng fief?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ito ay malaking bahagi ng fief?

Sagot verified answer sagot

Ang manor ay malaking bahagi ng fief. Ang manor at fief ay mga terminong nakapaloob sa sistemang piyudalismo o ang pamamalakad ng iba’t ibang lupain na ang nagmamay-ari ay tinatawag na panginoon.

Ang mga lupang ito o ang malawak na sakahing lupa na tinatawag na manor ay ipinasasaka sa magbubukid. Ang mga magbubukid na ito ang siyang magtatanim at gagawa sa mga lupain sa loob ng tatlong araw sa isang linggo.

At upang pagtibayin ang pagkakatiwala ng mga lupa sa mga sasaka rito ang fief o isang katunayan ay ipinatupad. Ito ay nasa ilalim ng oath of fealty o ang pangako ng katapatan.