Katanungan
ito ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng pacific ocean?
Sagot
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean. Ang Polynesia ay isang kapuluang malawak kung saan matatagpuan ang Tahiti at Hawaii.
Ito ay sinasabing binubuo ng iba’t ibang pulo. Ang tawag na Polynesia ay nagmula sa griyegong salita na polus na nangangahulugang marami at nesos na ang ibig sabihin ay pulo.
Bukod sa Tahiti at Hawaii, makikita rin dito ang pulo ng Tuvalu, Tonga. Fiji, at Samoa. Ang mga taong naninirahan sa pulong ito ay sinasabing may kulay na kayumanggi na gaya ng mga Pilipino. Ang pangunahing ikinabubuhay dito ay pagtatanim ng mga namumungang kahoy at pangingisda.