Katanungan
ito ay mga laro kung saan nilusob ng kalaban?
Sagot
Invasion Game ang tawag sa laro kung saan nilulusob ng kalaban ang teritoryo ng pangkat sa pamamagitan ng pananaya.
Sa Wikang Filipino, ang larong ito ay kilala bilang Agawan ng Base. Napakasayang larin nito dahil napapaisip ang mga bata kung paano nila proprotektahan ang kanilang teritoryo.
Kadalasan, kinakailangan ng larong ito ng mahigit limang manlalaro. Mayroong isa sa bawat grupo ang nagbabantay sa teritoryo habang ang iba naming manlalaro ay lumulusob.
Ang larong ito ay kadalasan ginagawa sa labas ng bahay para mas malaki ang espasyo sa paglalaro. Maraming takbuhan rin ang nagaganap sa larong ito, at minsan ay may taguan pa.