Katanungan
ito ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang tao?
Sagot
Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang tao.
Ang karapatang pantao ay ang itinuturing na pamantayang payak na kailangang malaman at maunawaan ng bawat indibdiwal upang ang pamumuhay ay magtaglay ng dignidad.
Ayon sa mga tala, ang unibersal na deklarasyon ng kaparatang pantao sa buong daigdig ay naganap noong ika-10 ng Disyembre taong 1948 kung saan ang bawat pinuno o pangulo ng mga bansa ay sinigurado na ang karapatang pantao ng bawat mamamayan ay mapangangalagaan saan mang panig ng mundo ito naroon. Ang deklarasyong ito ay pinagtibay ng United Nation General Assembly.