Ito ay naging hudyat ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol

Katanungan Sagot

Katanungan

Ito ay naging hudyat ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol

Sagot verified answer sagot

Ito ay naging hudyat ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga EspanyolAng naging hudyat ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol ay ang panahon nang mabisto ang KKK.

Sa pamamagitan ni Teodoro Patiño, nalaman ng mga mananakop ang tungkol sa lihim na samahan ng mga Katipunero.

Naganap ito noong Agosto 19, 1896. Nang malaman ni Andres Bonifacio na nabisto na ang KKK, nagpatawag agad siya ng pulong at nagtipon-tipon ang mga Katipunero sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896 at dito ay ipinahayag nilang lalaban sila hanggang sa dulo ng kanilang buhay.

Pinunit din nila nang sabay-sabay ang kanilang mga sedula bilang tanda ng kanilang pagtuligsa sa mga mananakop na Espanyol.