Katanungan
ito ay naging mabisang behikulo sa pagpapataas ng kamalayan ng mga pilipino sa sariling kultura?
Sagot
Ang sarswela ay naging mabisang behikulo sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa sariling kultura.
Ang sarswela ay tumutukoy sa isang klase ng pagtatanghal kung saan ang itinatampok ang pag-awit at pag-sayaw na nagmula pa sa mga kastila.
Ang paraan ng pagbigkas ng mga linya ay nasa anyong pasalita, patula, o maging dayalogong pakanta.
Ang pagtatanghal na ito ay may malaking gampanin sa kamalayan ng mga Pilipino sapagkat isa itong mahalagang behikulo na nagmulat sa mga katutubo ng kanilang kultura sa pamamaraang pagtatampok sa mga pagtatanghal kung saan ang mga tagpo ay karaniwang hango sa mga pangyayari o kaganapan sa tunay na buhay.