Katanungan
ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa?
Sagot
Ang tinatawag na Workers Rights Pillar ang naninigurado at naglalayong palakasin ang pagkakaroon at paglikha ng mga batas para sa paggawa at maisakatuparan ang karapatan ng mga manggagawa.
Ito ay kabilang sa apat na pillar o haligi ng paggawa. Sa ilalim nito ay binibigyang pansin at pokus ang pagkakaroon ng marangal na paggawa, kabilang na ang mga lakas paggawa o mga manggagawa.
Nagbibigay ito ng proteksyon sa mga trabahador laban sa pang-aabuso at kung anumang maaaring ikapahamak nila.
Nabibilang rin dito ang pagbibigay ng sapat na sahod, pagkakaroon ng maayos na benepisyo—mapa-pinansiyal, pangkalusugan, o iba pa. Ang lahat ng manggagawa ay sakop nito.