Ito ay nakakatulong sa pag unawa ng mensahe?

Katanungan

ito ay nakakatulong sa pag unawa ng mensahe?

Sagot verified answer sagot

Ang nakatutulong sa pag unawa ng mensahe ay pang-ugnay. Ang pang-ugnay ay nakatutulong sa paglalarawan o konekta ng relasyon ng isa o higit pang pangungusap.

Nagagamit din ito upang maayos ang daloy ng isang pangungusap o pangyayari. Ang tatlong uri ng pang-ugnay ay ang pangatnig, pang-ukol, at pang-angkop.

Ang pangatnig ay ang nagkokonekta sa dalawang salita, halimbawa ang: subalit, kundi, ngunit, maliban, bago, at upang.

Sa pang-ukol naman, ito ay nagkokonekta sa pangngalan at panghalip sa pangungusap, halimbawa ng pang-ukol ay: labag sa, laban sa, para sa, para kay, at ukol sa. Panghuli, ang pang-angkop ay naglalayong pagtamabalin ang dalawang salita tulad ng: ng, nang, at g.