Katanungan
ito ay pagkilala sa likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula konsepsiyon hanggang kamatayan?
Sagot
Pro-life ang tawag sa pagkilala sa likas na karapatan at dignidad ng tao na mabuhay mula konsepsiyon hanggang kamatayan.
Ibig sabihin nito, may karapatan ang bawat isa sa atin sa mundo na mabuhay. Ang usaping pro-life ay kadalasan pumapasok sa talakayan tungkol sa aborsyon.
Hanggang ngayon, hindi pa rin legal ang aborsyon sa ating bansang Pilipinas. Ang mga naniniwala sa pro-life ay kadalasan na tumutuligsa sa legalisasyon ng aborsyon.
Dahil nga sila ay naniniwala na karapatan ng isang tao na mabuhay, mula sanggol hanggang sa kanyang kamatayan.
Sa pro-life, kahit sino ka man, ano man ang estado mo sa buhay, ano man ang iyong kasarian, at iba pa ay hindi mahalaga basta ikaw ay mabigyan ng buhay.