Ito ay paglalarawan ng may-akda sa isang bagay, pangyayari, lugar, hayop o tao?

Katanungan

ito ay paglalarawan ng may-akda sa isang bagay, pangyayari, lugar, hayop o tao?

Sagot verified answer sagot

Sa isang tekstong deskriptibo ay mababasa natin ang paglalarawan ng isang manunulat o may akda sa isang tauhan, hayop, bagay, lugar o pangyayari.

Kadalasan nating mababasa ang mga tekstong deskriptibo sa mga panitikan tulad ng maikling kwento, pabula, nobela, at iba pa.

Kailangan maging maayos ang paglalarawan ng isang manunulat sa mga elemento na nabanggit upang maging mas malinaw para sa mga mambabasa ang magiging takbo ng isang kwento o istorya.

Maaaring gumamit ng mga salitang naglalarawan ang may akda, tulad ng pang-uri. Nakakaengganyo basahin ang isang akda lalo na kung magaling ang pagkakalarawan sa mga tauhan, lugar, at iba pa.