Katanungan
ito ay pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa?
Sagot
Konsensiya ang tawag sa pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita, at gawa.
Ibinabatay ng isang tao ang kanyang kilos na ginagawa sa lipunan ayon sa kanyang konsensiya. Ang pagkakaroon ng konsensiya ay dahil na rin sa kakayahan ng mga tao na mag-isip ng kung ano ang mabuti sa masama.
Kaugnay ng konsensiya ang likas na batas moral kung saan likas sa tao dapat na maunawaan sa buhay na kabutihan lamang ang gagawin at ang mga kasamaan ay may karampatang parusa bilang hatol.
Pumapasok rin sa usapin ng konsensiya ang kalayaan ng isang tao na magdesisyon para sa kanyang sarili.