Ito ay pook pasyalan na matatagpuan sa Carmen Bohol?

Katanungan

ito ay pook pasyalan na matatagpuan sa carmen bohol?

Sagot verified answer sagot

Ang chocolate hills ay pook pasyalan na matatagpuan sa Carmen, Bohol.

Ang chocolate hills ay isa sa mga sikat na magagandang puntahan sa Bohol partikular na sa Carmen sapgkat inilalarawan ito bilang mga tumpok –tumpok na nakahahangang burol dahil sa kulay nitong maihahalintulad sa tsokolate higit na lalo sa panahon ng tag-araw.

Samantala, sa panahon ng tag-ulan, ang kulay nito ay inilalarawan bilang luntian. Ito ay isang halimbawa ng burol o isang halimbawa ng anyong lupa na inilalarawang mas mababa kaysa sa bundok.

Ito ay dinarayo ng maraming bilang ng turista na tiyak na naaakit sa angkin nitong kariktan o kagandahan.