Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

Ito ay sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat?

Sagot verified answer sagot

Ang sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat ay red tide.

Ang dinoflagellates ay mga klase ng organismong maliliit na nakasama sa pinakasimpleng grupo sa dagat na kilala sa tawag na single-celled organisms na makikita lamang kung ang tao ay gagamit ng mikroskopyo.

Ang pagdami ng mga organismong ito ang dahilan ng pagkakaroon ng red tide. Ang red tide ay nagaganap sapagkat ang mga organismong dinoflagellates ay mabilis dumami at hindi nananatili sa iisang lugar lamang.

Sila ay kumikilos pataas at paibaba sa tinatawag na water column. Kung ang mga ito ay nagsimulang kumilos o gumalaw at ang bilang ay umabot o hihigit pa sa 10,000 cell o liter ng tubig-dagat ay siguradong mangyayari ang red tide.