Katanungan
ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat
Sagot
Ang terorismo ay tumutukoy sa sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o criminal.
Ang terorismo ay isang uri ng gawain na nag-uudyok upang maisagawa ang isang rebolusyonaryo o radikal na aksyon kung saan tampok ang pamamaraang marahas upang makamit ang tagumpay.
Ito ay isang hakbang na binibigyang solusyon ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kapayapaan ng bans a gayundin ang seguridad ng bawat indibidwal na naninirahan dito.
Idagdag oa riyan na kung ang terorismo ay magaganap, malaki ang pinsalang maiiwan nito sa lugar na pangyayarihan partikular na ang pagkawasak ng iba’t ibang imprastraktura.