Katanungan
Ito ay sistematikong paraan na kung saan ang isang bansa ay naghahanda upang maging isang malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo?
Sagot
Ang sistemang mandato ay sistematikong paraan na kung saan ang isang bansa ay naghahanda upang maging isang malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.
Ang sistemang mandato ay napagpasyahang buuin matapos ang mga digmaang naganap sa kasaysayan. Nakapaloob sa mandating ito na ang iba’t ibang bansang napasailalim sa mas malalakas na bansa ay bibigyan ng laya upang maging isang nagsasariling bansa matapos magabayan o mapatnubayan ng isang Europeong bansa.
Sa pagkakataong ito, ang estado ay muling bubuhayin ang sistema at kakayahan nito upang makabangon sa mga hindi magandang epekto na naidulot ng digmaan at pagkakasakop nila.