Ito ay tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ito ay tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?

Sagot verified answer sagot

Kolonyalismo ang tawag sa paraan ng pag-kontrol ng isang malakas na bansa sa mas mahinang bansa.

Nangyari na itong kolonyalismo na ito sa ating bansang Pilipinas noon. Tayo ay sinakop ng mga pangunahing malalakas na bansang Espanya, Estados Unidos, at Japan.

Ang kolonyalismo ay nangyayari dahil layunin ng mga malalakas na bansa na lumawak ang kanilang lupain at nasasakupan.

Sa paglawak ng kanilang lupain at nasasakupan ay mas dumadami ang mga tao na maaari nilang ipadala sa digmaan.

Marami rin silang pinagkukunang likas na yaman, tulad ng mga pagkain, troso, at iba pang kagamitan. Isa pang layunin nila ay ipakalat ang kanilang kultura. Sa kolonyalismo nila naipapakita ang kanilang lakas at kapangyarihan.