Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan?

Sagot verified answer sagot

Ang tawag sa tulang pasalaysay na isinasaad ang kabayanihan ng PANGUNAHING karakter nito ay tinatawag na epiko. Ang temang madalas gamitin sa pagsulat ng epiko noon ay patungkol sa kabayanihan.

Ang kabayanihang nagawa sa buhay ng pangunahing karakter na binihisan ng mga katangian na mas higit pa kaysa sa mga karaniwang nilalang.

Sinasabing kadalasan ay nagbuhat ang tauhan na ito mula sa lipi ng mga Diyos. Ang epiko ay mahalaga sapagkat ito ay sinasabing sumasalamin sa mga tradisyon at gawi na pinaniniwalaan ng mga tao.

Ilan sa mga kilalang epiko na tinatalakay sa mga pang-akademikong usapin ay ang Biag ni Lam-ang, Indarapatra at Sulayman, Hudhud ni Aliguyon, at epiko ni Gilgamesh.