Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang ekonomiya?

Katanungan

ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang ekonomiya?

Sagot verified answer sagot

Ang negosyo ay ang anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin ay makamit ang kita o tubo.

Ang negosyo ay isang uri ng gawain na ginagawa o pinapasok ng isang indibidwal upang makalikom ng kita o tubo.

Ito ay ginagampanan sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng pawis at pagod. Ang pagpasok sa isang negosyo ay dapat na matalinong napagpasiyahan sapagkat iba’t ibang hamon ang maaaring kaharapin dito.

Ilan sa mga maaaring harapin ay kung paano mapananatili ng isang negosyante ang kanyang mga konsyumer, anong mga pakulo ang makakahikayat sa mga tao upang tangkilikin ang kanyang produkto, paano mapangangalagaan ang mga tao, at maging ang pagtaas o pagbaba ng kita o tubo ay kabilang sa hamong nakapaloob dito.