Siya ang pinaka O.G. sa lahat ng mga bayani, siya si Dr. Jose P. Rizal. Alam ng lahat na si Rizal ang sumulat ng mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere, pero hindi nila alam na maraming mga pakikipagsapalaran na ginawa sa kanyang buhay mula noong sa kanya pang pagkabata.
1.) 5’3″ ang height ni Rizal.
2.) Namatay siyang nakaharap sa pagsikat ng araw. Pag sabi ng “Fuego!” (fire!) ng mga kastila, umikot si Rizal bago tumama sakanya ang mga bala ng baril dahil ayaw niyang mamatay ng nakatalikod sa ating watawat.
3.) Gumamit ng droga si Rizal. Noon siya ay 18 na taong gulang pa lamang, bumili siya ng hashish isang uri ng marijuana, si Rizal ay isang mausisang tao, hindi siya nalulong sa masamang bisyo. Ayon sa mga historians, ito ay ginawa niya for “educational purposes” lamang.
4.) Mga Pilipino ang bumaril kay Rizal. Upang insultuhin ang mga Pilipino. Ang mga kinuhang berdugo ng mga kastila ay mga Pilipino. Sa likod ng mga Pilipino na ito ay mga kastilang sundalo na nakatutok ang kanilang baril sa mga Pilipinong sundalo. Kung sakaling hindi gawin ng mga Pilipino ang pag-baril kay Rizal, ang mga Kastilang sundalo naman na ito ang babaril sa mga Pilipinong sundalo.
5.) Hindi alam kung kaninong bala nanggaling ang pumatay kay Rizal. Sa mga bumaril kay Rizal, iisa lamang sakanila ang meron tunay na bala. Ang mga iba ay blanko lamang. Ginawa ito para hindi masyadong mabigat sa konsensya ng mga sundalong Pilipino ang pagbaril sa kanilang kapwa Pilipino.
6.) Si Rizal ay si Jack The Ripper. Isang sikat na conspiracy theory ay nagsasabing si Rizal daw at si Jack the Ripper ay iisang tao lamang. Si Jack the Ripper ay isa sa mga pinaka sikat na mamamatay tao sa kasaysayan ng Europa at ng buong mundo. Hindi nila nahuli kung sino talaga si Jack the Ripper. Kung kaya naman may mga historians na nagsasabing si Rizal daw iyon dahil nanyari ang mga krimen habang nakatira si Rizal sa Europa at huminto lamang ang mga pagpatay noon nakabalik na siya sa Pilipinas. Iisa lamang ito sa marami pang ebidensiya ayon sa mga eksperts, ngunit hindi napatunayan na talagang si Rizal nga iyon.
7.) Pepe ang palayaw ni Rizal.
8.) Nagkaroon si Rizal ng tuberculosis or TB. Ganun pa man, pinaagling niya din ang sarili niya sa sakit na ito. Kaya naman siya ay nakilalang isang magaling eksperto sa paglunas ng sakit na ito.
9.) 5’3″ ang height ni Rizal.
10.) Makamisa ang pamagat ng pangatlong nobelang sinulat ni Rizal. Ngunit hindi niya na ito natapos.
11.) Nakakakita ng multo si Rizal. Habang nasa Dapitan si Rizal sumulat siya sa isang pari tungkol sa isang poltergeist na naninira ng mga gamit sa isang bahay na kanyang tinitirahan.
12.) Mahigit 1,000 na libro ang nabasa ni Rizal.
13.) Hindi naliligo. Noong nag-aaral si Rizal sa Europa, nagpadala siya ng sulat sa kanyang kapatid na nagsasabing kahit ang pagligo niya ay minsan pinapasabukas nalang niya dahil mahal ang bayad dito.
14.) The Count Of Monte Cristo ay isa sa mga pinakapaboritong istorya ni Rizal.
15.) Mangga at lanzones ang paboritong prutas ni Rizal.
16.) Naging guro si Rizal sa isang eskuwelahang meron lamang 21 na estudyante. Hindi siya nagpabayad. Ang hiling lamang niya ay tumulong ang mga bata sa community service.
17.) Dalawang beses binaril si Rizal. Binaril siya sa ulo sa pangalawang beses para makasigurong patay na siya.
18.) José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Rizal. Medyo mahaba!
19.) Madaming naging chx si Rizal. Ayon sa mga historians, maraming mga babae na na-link kay Rizal kaya naman merong mga nagsasabing playboy daw siya. Ngunit iisa lamang ang kanyang tunay na minahal, si Leonor Rivera. Hindi na ulit sila nagkita ni Leonor dahil ginugulo ng mga kastila ang mga taong malapit kay Rizal pagtapos sumikat ang kanyang nobelang Noli me tangere.
20.) Si Rizal ay mayroong 10 na kapatid. Masipag kasi ang kanyang magulang XD
More On Rizal
- Ano Ang Batas Rizal
- Talambuhay Ni Jose Rizal
- Bakit Isinulat Ni Rizal Ang Noli Me Tangere?
- Mga Babaeng Inibig Ni Jose Rizal