Kabanata 1: Ang Gubat (Buod) Saknong 1-7

Kabanata 2 »

Umiikot ang panimulang kabanata ng Florante at Laura sa paglalarawan sa kinalalagyan ng pangunahing tauhan. Sa labas ng Reynong Albanya, doon makikita ang isang masukal at mapanglaw na gubat.

Mayroong malalaking punongkahoy at iba pang mga halaman na siyang tumatakip sa sinag ng araw. Dahil sa hindi gaanong nasisinagan ng araw ang lupain ng kagubatan, lubhang mapanglaw ito.

Hindi buo ang mga masusukal na kagubatan kung walang mga mababangis na hayop na naninirahan doon. Makikita sa nakapapanglaw na gubat ang mga hyena, leon, tigre, at ahas na doon ay naninirahan. Sino mang maliligaw sa gubat na iyon ay tiyak na may naghihintay na kapahamakan.

Talasalitaan – Kabanata 1 (Saknong 1-7)

Ito ay talasalitaan

Kabanata 2 Ang Binatang Nakagapos (Saknong 8-24) »