Kabanata 2 »
Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago. Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong gagawin sa Kalye Anluwagi.
Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago. Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at Donya Victorina, Padre Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.
Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang usapan.
Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni Tinyente na nararapat lamang ang parusa.
Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay dahil ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw lamang mangumpisal.
Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento.
Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.
Aral – Kabanata 1
Makikta sa kabanatang ito ang hindi magandang pag-uugali ng ilang Pilipino. Katulad ni Padre Damaso na mapangutya sa mga Pilipino, ngunit siya pala mismo ay mayroong mga katiwaliang ginagawa. Madalas, ang mga taong mapangdusta sa iba ay mas marumi pa sa mga inaakusahan nila.
Talasalitaan – Kabanata 1
Bantog – kilala
Bukas-palad – matulungin
Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra »