Kabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego (Buod)

« Kabanata 9Kabanata 11 »

Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San Diego – na siya ring pamagat ng kabanata.

Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan na ito dahil sa magagandang tanawin dito.

Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan. Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain. Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason.

Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.

Aral – Kabanata 10

Sa kabanatang ito ay matututunan natin na ang bawat bayan ay may kasaysayan na masaya at mayroon ring mga trahedya.

Talasalitaan – Kabanata 10

« Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa BayanKabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan »