Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Buod) Saknong 136 – 145

« Kabanata 10Kabanata 12 »

Kahit magkaiba ng relihiyon at pinagmulan, nagtulungan pa rin ang dalawang binata. Buong tapang na tinalo ng Moro ang dalawang leon na nagtangkang lapain ang nakagapos na si Florante.

Tinanggal din ni Aladin ang lubid na nakapulupot sa katawan ng hinang-hina na noon na si Florante na kalaunan ay nawalan na rin ng malay.

Sa panahon ng kaniyang muntik nang pagkasawi, ang kaniyang iniibig na si Laura pa rin ang bukang bibig ni Florante.

Nang magkamalay si Florante, tanging si Laura pa rin ang kaniyang naiisip. Hinahanap pa rin niya ang kalinga ni Laura sa ganitong panahon na puno siya ng paghihirap.

Talasalitaan – Kabanata 11 (Saknong 136-145)

« Kabanata 10: Ang Pagtulong kay Florante (Saknong 126–135)Kabanata 12: Batas ng Lahat ng Relihiyon (Saknong 146–155) »