Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos (Buod)

« Kabanata 11Kabanata 13 »

Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang dalawang sepultorero at pinamagatan itong “Araw ng mga Patay.”

Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo ng bayan. Inilarawan ang sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing may isang krus na nakatirik sa isang bato sa gitna ng libingan. Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa trabaho.

Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar. Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad naman niya na noon ay may isang bangkay na dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay.

Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa. Napag-alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote and nag-utos.

Aral – Kabanata 12

Makikitang aral natin sa kabanatang ito ang kapangyarihan na hawak ng mga Kastilang prayle sa bayan ng San Diego na kayang mag-utos ng kahit ano.

Talasalitaan – Kabanata 12

« Kabanata 11: Ang Mga MakapangyarihanKabanata 13: Mga Unang Banta Ng Unos »