« Kabanata 12Kabanata 14 »
Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote.
Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang nadarama, habang naluha naman ang matanda. Hindi niya lubos maisip na mayroong hindi nagbigay ng galang sa bangkay ng ama.
Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama.
Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.
Aral – Kabanata 13
Mababatid sa kabanatang ito ng nobela na kailangang iginagalang ang isang yumao, kabilang ang bangkay. Anumang panlalapastangang ginagawa sa namayapa na ay magdudulot ng gulo dahil kawalan ito ng respeto.
Talasalitaan – Kabanata 13
« Kabanata 12: Araw Ng Mga PatayKabanata 14: Si Pilosopo Tasyo »