Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo (Buod)

« Kabanata 13Kabanata 15 »

Kasabay ng pagdalaw ni Ibarra sa puntod ng ama, ay ang pagdalaw din ni Pilosopo Tasyo sa kaniyang namayapang asawa.

Pilosopo Tasyo ang tawag nila kay Don Anastacio. Mayaman ang pakalat-kalat na matanda sa lansangan. Sadyang matalino ito at mahusay magsalita. Pinahinto ito ng kaniyang ina sa pag-aaral sa dalubhasaan ng San Jose dahil baka raw malimot na nito ang Diyos sa sobrang talino. Nais kasi ng ina niya na maging pari ito.

Sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa. Gayunman, isang taon matapos ikasal ay namayapa ang asawa niya. Itinuon na lamang niya ang oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga minana.

Madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ngunit sa halip na matakot, masaya pa si Tasyo sa lagay ng panahon. Hiling daw kasi niya na magkadelubyo upang malinis ang sangkatauhan.

Nagtungo si Tasyo sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabihan niya ito na umuwi na dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid ay nanatili sila sa simbahan.

Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda hanggang narrating ang bahay nina Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Ibarra at ang hinagpis na nararamdaman nito dahil sa sinapit ng ama.

Nauwi sa usapang purgatory ang talakayan. Hindi man daw naniniwala ang Pilosopo rito ay gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.

Katulad ng nakagawian, nagpaalam si Tasyo at naglakad kahit madilim ang langit at nagngingitngit ang kilog at kidlat.

Aral – Kabanata 14

Matututuhan sa kabanatang ito ang pag-unawa sa isang tao. Marahil magkakaiba ang bawat isa ng personalidad, paniniwala, at pamumuhay, ngunit bandang huli, hindi ito dahilan upang maging katatawanan ang kapuwa.

Talasalitaan – Kabanata 14

« Kabanata 13: Mga Unang Banta Ng UnosKabanata 15: Mga Sakristan »