Kabanata 15: Mga Sakristan (Buod)

« Kabanata 14Kabanata 16 »

Ang kinausap na magkapatid ni Tasyo ay sina Crispin at Basilio. Kahit may banta ng bagyo, pinatunog pa rin ng dalawa ang kapmana sa kampanaryo ngunit hindi nila ito napatunog nang tama. Gusto nang makauwi ng dalawa lalo’t sa ibinalita ni Tasyo tungkol sa hapunang inihanda ng inang si Sisa. Pero patuloy sila sa trabaho sa simbahan.

Napagbintangang nagnakaw si Crispin. Galit siya sa paratang at ipinagdarasal na magkasakit ang mga prayle. Halagang P32 (dalawang onsa) ang pinababayaran sa magkapatid gayong dalawang piso lang ang sahod nila kada buwan. Hindi nila mababayaran ang ibinibintang na ninakaw nila. Nakapagbitiw si Crispin ng mga salitang sana ay tunay na nagnakaw na lamang umano siya para makapagbayad sa ibinibintang na halaga.

Habang nag-uusap ang dalawa, dumating ang sakristan mayor at sinita ang dalawa sa palyadong pagpapatunog sa kampana. Sinabihan din sila na hanggang ikasampu pa sila ng gabi sa simbahan, lagpas na sa ika-9 ng gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada.

Makikiusap sana si Basilio sa sakristan mayor, ngunit hinila nito ang umiiyak na si Crispin pababa sa simbahan hanggang lamunin ng dilim. Hindi makapaniwala si Basilio sa sinasapit na kalupitan ng kapatid.

Gumawa ng paraan si Basilio upang makababa sa kampanaryo. Nang tumila ang ulan, kumuha ng lubid at nagpadausdos hanggang makarating sa simbahan. Nahanap niya ang silid na pinagdalhan sa kapatid ngunit sinarado ang pinto

Aral – Kabanata 15

Kung minsan, madaling manghusga ang mga ito. Madalas na napagbibintangan sa krimen ay ang mga mahihirap habang ang hustisya ay laging nakakamit ng makapangyarihan.

Talasalitaan – Kabanata 15

« Kabanata 14: Si Pilosopo TasyoKabanata 16: Si Sisa »