Kabanata 17: Ang Perya Sa Quiapo (Buod)

« Kabanata 16Kabanata 18 »

Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds.

Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita.

Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari.

Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 17

Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga masasamang pagnanasa ang isang tao.

Talasalitaan – Kabanata 17

« Kabanata 16Kabanata 18 »