Kabanata 17: Si Basilio (Buod)

« Kabanata 16Kabanata 18 »

Nakarating sa bahay nila si Basilio na may sugat sa noo. Mula iyon sa daplis ng bala mula sa mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya na nais siyang ikulong sa kuwartel.

Ipinaliwanag niya sa ina ang nangyari at sinabing nasa kumbento si Crispin. Papayapa na sana ang damdamin ni Sisa nang ibunyag ni Basilio na napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa ang kapatid.

Nahabag si Sisa na nangyari sa bunsong anak. Ipinangako naman niya kay Basilio na walang makaaalam ng tunay na dahilan ng sugat nito sa noo at nakuha lang ito sa pagkakalaglag sa puno.

Nabatid rin ni Basilio na dumating sa kanilang bahay ang ama. Nawalan siya ng ganang kumain dahil dito. Alam niya ang pagmamalupit na ginagawa ng ama sa kaniyang ina. Ipinabatid ni Basilio na gusto na niyang mawala na nang lubusan ang kaniyang ama sa kanilang buhay na ikinalungkot naman ni Sisa. Nais pa rin kasi niyang mabuo ang kanilang pamilya.

Nakatulog si Basilio dahil sa pagod. Napanaginipan pa rin niya si Crispin na inaalipusta pa rin ng mga pari. Ginising siya ng ina at sinabi rito na ayaw na niyang bumalik sa simbahan. Magpapastol na lamang daw siya ng mga hayop sa bukid ni Ibarra. Kapag nasa hustong gulang na raw ay mag-aararo na lamang sa bukid. Pag-aaralin na lamang daw niya ang kapatid kay Pilosopo Tasyo.

Natigilan naman si Sisa sa ginagawa at muling nalungkot dahil hindi kasama ang ama sa mga plano ni Basilio.

Aral – Kabanata 17

Makikita sa kabanata ang pagmamahal at pagiging responsableng kapatid. Bilang isang anak, mayroon itong pangarap na paunlarin at bigyan ng magandang pamumuhay ang mga magulang at kanilang buong pamilya.

Talasalitaan – Kabanata 17

« Kabanata 16: Si SisaKabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap »