« Kabanata 18Kabanata 20 »
Sa kabanata na ito lantarang ipinakita ni Rizal kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle para sirain ang kinabukasan ng mga kabataan.
Dalawang lalaki na kapwa nakadamit pangluksa ang tahimik na nagmumuni sa lawa. Ang mga ito ay sina Ibarra at ang guro. Ikinumpisal ng guro na kasama niya ang sepulturero at si Tenyente Guevarra sa pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa.
Mula sa kanyang narinig ay hindi nagalit at tumangis si Ibarra. Sa halip, mas lalo siyang nagka-interes sa pagkatao ng nasabing guro. Sinabi rin ng guro kung gaano niya ninais na baguhin ang lumang kairalan sa pagtuturo ngunit siya ay bigo.
Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga bata na nag-aaral. Ang silid aralan na kanilang ginagamit ay isang kwadra. Pinag-aaralan ng mga bata ang mga litanya ng dasal sa salitang Kastila. Pinakita rin sa kabantang ito ang marahas na kaparusahan na binibigay sa bawat kamalian ng mga bata.
Ayaw ng guro ang ganitong pamamaraan kaya pilit niya itong binago ng patago. Ngunit siya ay inalipusta at pinarusahan ni Padre Damaso sa harapan ng kanyang mga mag-aaral. Nanlumo si Ibarra sa mga tinuran ng guro, ngunit binigyan niya ito ng pag-asa na balang araw mababago rin ang lahat.
Aral – Kabanata 19
Huwag manibugho sa kadiliman ng buhay. Ang bawat araw na darating ay mayroong kasamang bagong pag-asa.
Talasalitaan – Kabanata 19
« Kabanata 18: Mga Kaluluwang NaghihirapKabanata 20: Ang Pulong Sa Tribunal »