Kabanata 24: Sa Kagubatan (Buod)

« Kabanata 23Kabanata 25 »

Sa kabanatang ito ay nasa kalagitnaan pa rin ng piknik ang magkakaibigan na sila Ibarra, Maria, Victoria, Iday, Elias, Sinang, at Albino. Sa parehong araw rin na yun ay maaga natapos ang misa ni Padre Salvi at nakapag-almusal siya agad. Habang nag-aalmusal, bigla siyang nakatanggap ng liham at biglang nawalan ng gana. Tumungo siya sa gubat.

Ng makarating siya doon, pinauwi niya na ang kanyang sinasakyan. Naglakad siya sa gubat ng nakarinig siya ng mga boses. Dahan-dahan siyang lumapit sa isang malaking puno. Nakita niya sa may ilog ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at Silang na nagkukwentuhan at nagtatampisaw sa tubig ilog. Maiging nagtago si Padre Salvi upang pagmasdan ang mga dalaga. Ilang minuto ay napagpasyahan niyang umalis na at hinanap ang mga kalalakihan.

Pagdating ng tanghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpipiknik. Binanggit ni Padre Salvi na nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakapagsama. Maya-maya ay dumating si Sisa at napag-usapan ang mga nawawala niyang anak. Sa pagdidiskusyon nito, napunta sa matinding pagtatalo si Don Felipo at Padre Salvi.

Iniwan ni Ibarra ang dalawa na nagtatalo at pumunta sa mga kaibigan niya na naglalaro ng Gulong ng Palad. Ng naituro ng Gulong si Ibarra, tinanong sa kanya kung natupad na ba ang binabalak nito. Agad naman siyang sumang-ayon dahil malapit na itatayo ang bahay-paaralan na kanyang pinaplano. Inilahad niya ang kasulatan at binigay ito kay Maria at Sinang. Ng makita ito ni Padre Salvi, agad niya iyong kinuha at pinunit dahil makasalanan ang nasa loob ng kasulatan na yun. Nagalit ang lahat at pinaalis ang kura.

Ilang sandali lg dumating ang Gwardya Sibil at Sarhento at dinakip si Ibarra at Elias sa pananakit umano kay Padre Damaso.

Aral – Kabanata 24

Masama ang makihimasok sa buhay ng may buhay ng walang pahintulot. Hindi lahat ng akala nating tama ay tama, at hindi lahat ng akala nating mali ay mali.

Talasalitaan – Kabanata 24

« Kabanata 23: Ang PangingisdaKabanata 25: Sa Bahay Ng Pilosopo »