« Kabanata 24Kabanata 26 »
Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan.
Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan nito.
Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.
Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa nasabing pagtitipon.
Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili.
Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.
Aral – Kabanata 25
Walang kagandahang maidudulot ang pagiging mapusok lalo na sa mga kabataan. Laging tatandaan ang pagsisisi ay laging nasa huli.