Kabanata 26: Bisperas Ng Pista (Buod)

« Kabanata 25Kabanata 27 »

Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng Nobyembre. Hudyat na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-kaniyang gayak ang mga may-kayang pamilya sa lugar katulad ng pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglalagay ng mga palamuti at mamahaling mga kagamitan.

Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin, minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa. Imbitado rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan upang matunghayan ang mga pagtatanghal.

Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng mga musiko upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Siyempre, hindi mawawala ang misa na pinangunahan ni Padre Damaso.

Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay inialay na ang kanilang pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo.

Samantala, habang abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa mga paaralan sa Europa. Hiwalay din ang lalaki sa babae. May malaking bodega at hardin rin ito.

Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa paaralan. Tumanggi siya sa tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo ng paaralan. Marami ang humanga sa ginawang ito ni Ibarra. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.

Aral – Kabanata 26

Likas sa mga Pilipino ang pagiging masiyahin. Makikita ito sa pagdiriwang ng mga Pista. Panahon pa lamang ng mga mananakop ay nagbubuhos na ng panahon at salapi ang mga Pilipino para sa mga pagtitipong tulad ng pista.

Talasalitaan – Kabanata 26

« Kabanata 25: Sa Bahay Ng PilosopoKabanata 27: Sa Pagtatakipsilim »