« Kabanata 26Kabanata 28 »
Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan.
Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari.
Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging maginhawa lamang.
Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino.
Aral – Kabanata 27
Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.