« Kabanata 26Kabanata 28 »
Si Kapitan Tiago ang isa sa mga may malalaking handaan para sa pista. Sinadya niyang magparami ng handa dahil nagpapasikat ito kay Ibarra na kaniyang mamanugangin. Tanyag kasi si Ibarra sa Maynila at nailalathala pa sa mga pahayagan.
Iba’t iba ang mga handa at produktong dumarating sa bahay ni Tiago bago pa man ang bisperas ng pista. At nang makarating sa tahanan at makita ang anak, binigyan ni Tiago si Maria Clara ng isang agnos na mayroong diyamante at Esmeralda bilang pasalubong.
Dumating na rin si Ibarra para makita ang mag-ama. Mayroong mga nag-aya kay Maria na mamasyal na pinahintulutan naman ni Tiago. Inaya rin ni Kapitan si Ibarra na sa kanila na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso ngunit tumanggi ito.
Sumama naman si Ibarra sa katipang si Maria sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa, nakita nina Maria ang isang lalaking ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Habang pinandidirihan ng lahat ang ketongin, naawa si Maria dito at iniabot ang pasalubong na mamahaling agnos ng ama. Sa tuwa, lumuhod sa pasasalamat ang ketongin.
Maya-maya pa ay dumating naman si Sisa. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing naroon ang anak na si Basilio. Itinuro din niya ang kumbento at sinabing naroon ang anak na si Crispin. Umalis din agad si Sisa, gayundin ang matandang ketongin.
Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa kanilang bayan.
Aral – Kabanata 27
Mababatid sa kabanatang ito ang dalawang mukha ng buhay. Mayroong mga mayayaman at mararangya ang buhay, habang mayroong mga inaalipusta at mahihirap. Gayunman, mayroon namang mga may mabubuting puso na bukas sa pagtulong sa kanilang kapuwa.