Kabanata 28: Mga Sulat (Buod)

« Kabanata 27Kabanata 29 »

Katulad ng inaasahan, nailathala sa mga pahayagan sa Maynila ang magarbong pagdiriwang ng pista sa San Diego. Napasama sa balita ang marangyang paghahanda sa pista, ang mga makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang pangangasiwa ng mga pareng Pransiskano sa pista.

Nabalita ang pagkaroon ng prusisyon ng mga santo at santa sa buong bayan. Nagkaroon din ng mga pagtatanghal tulad ng komedya na labis na ikinaaliw ng mga pari dahil sa wikang Kastila ito ginawa. Mayroon din namang pagtatanghal para sa mga Pilipino.

Hindi rin nawala ang pagtatanghal ng mga musiko. Mayroong dalawang bandang nagtanghal noong bisperas ng pista na simbolo ng karangyaan noon. May sayawan din kung saan nakita ng marami ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Manghang-mangha naman ang karamihan sa angking kagandahan ni Maria.

Gayunman, nababalot ng lungkot si Maria dahil ilang araw na niyang hindi nasisilayan si Ibarra. May sakit kasi ito. Kaya minarapat ng kasintahan niyang sulatan ang binata.

Ayon sa sulat ni Maria na inihatid ni Andeng sa kanilang bahay, patuloy daw ang pagdadasal ng dalaga para sa katipan. Ipinagtirik pa ni Maria si Ibarra ng kandila sa simbahan para sa paggaling nito. Ikinuwento rin ni Maria ang sapilitang pagtugtog at pagsayaw niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin ni Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang kaniyang ipinagawang paaralan.

Aral – Kabanata 28

Makikita sa kabanatang ito ang pagmamahal ng isang tao sa kaniyang katipan. Tuwing nagkakasakit o nakararanas ng paghihirap, hindi maaaring pabayaan at di kumustahin ang isang taong maysakit. Nakagagaan naman ito sa pakiramdam ng mayroong sakit.

Talasalitaan – Kabanata 28

« Kabanata 27: Sa PagtatakipsilimKabanata 29: Ang Umaga »