Kabanata 29: Ang Umaga (Buod)

« Kabanata 28Kabanata 30 »

Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego. Nagising sila nang maaga dahil sa tunog ng kapamana at mga paputok. Naggayak ang mga maykayang mamamayan ng kanilang pinakamagagarang damit at pinakamahal na mga alahas at palamuti.

Kapansin-pansin naman na hindi nagpalit ng kasuotan si Pilosopo Tasyo. Binati siya ng tinyente ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi nito na paglulustay lamang ng pera at oras ang kasiyahang katulad ng pista. Isang uri lamang daw ito ng pagpapakitang tao. Dagdag pa niya, mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas mahahalagang bagay kaysa sa pista.

Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda. Gayunman, wala siyang lakas ng loob na sumalungat sa mga pari.

May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na iyon. Tumanggi na siya sa pagbibigay ng sermon ngunit pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang umano ang nakapagbibigay ng aral sa mga taga-San Diego. Dahil doon, agad na nagpapahid ng langis at nagpahilot si Damaso upang guminhawa ang pakiramdam.

Saktong alas-otso ng umaga nang magsimula ang prosisyon ng mga santo. Kahit sa pagprusisyon, mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga mamamayan. Sa suot na abito ay malalaman agad kung sino ang mararangya at hindi.
Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Naroon ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra.

Aral – Kabanata 29

Malalaman sa kabanatang ito ang aral ng pagiging maluho ng mga Pilipino. Marami ang inilalaan ang kanilang panahon at salapi sa mga bagay na hindi naman ganoon kahalaga, at tinitipid ang mga sarili sa mga bagay na may higit na importansya.

Talasalitaan – Kabanata 29

« Kabanata 28: Mga SulatKabanata 30: Sa Simbahan »