Kabanata 30: Sa Simbahan (Buod)

« Kabanata 29Kabanata 31 »

Dahil araw ng pista, punong-puno ng tao ang simbahan. Dahil siksikan, nararamdaman ng lahat ang init sa loob.

Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao na nagbabayad rin ng halagang dalawang daan at limampung piso. May paniniwala kasi noon na marapat nang magbayad ng malaking halaga para sa misa kaysa sa mga panooring komedya.

Maaari ka raw kasing dalhin sa langit ng misa, di katulad ng mga komedya na sa impyerno raw ang tungo.

Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa kasi ang alkalde na sinadyang magpahuli upang mapansin ng lahat. Ilang sandali pa ay dumating na ito, suot ang limang medalya na sumisimbolo sa kaniyang posisyon.

Ito na rin ang naging hudyat para magmisa si Padre Damaso kahit hindi maganda ang pakiramdam. Kasama niya sa harap ng altar ang dalawang sakristan at iba pang pari katulad ni Padre Sabyla. Pagpanhik ni Padre Damaso sa pulpito, nag-umpisa ang sermon niya.

Gayunman, tanging masasakit na salita at panlalait ang sinabi ni Padre Damaso sa kapuwa pari si Padre Martin na siyang nagmisa sa bisperas ng pista na si Padre Manuel Martin. Aniya, higit na mas mahusay naman siyang magmisa kaysa kay Padre Martin.

Inutusan naman ni Damaso ang kasamang prayle na buksan ang kuwaderno upang makakuha na ng tala at opisyal na umpisahan ang misa para sa kapistahan.

Aral – Kabanata 30

Sa kabanatang ito, malalaman na ang ilang nasa kapangyarihan ay nabubuhay din sa atensyon. Ginagawa nila ang lahat, kahit makaabala sa kapuwa para lamang ipabatid sa marami ang kanilang halaga. Mayroon ding mga taong aalipustahin at ibababa ang iba upang maiangat ang sarili.

Talasalitaan – Kabanata 30

« Kabanata 29: Ang UmagaKabanata 31: Ang Sermon »